Batas Laban Sa Mga Ama Na Hindi Nagbibigay Ng Sustento Sa Mga Anak Ipinasa Na!
Sa paglipas ng panahon ay padami ng padami ang kaso ng mga batang hindi nabibigyan ng maayos na buhay ng kanilang mga magulang dahil na rin sa kahirapan at kakulangan ng maayos na pagkakakitaan. Maliban dito ay marami ring mga babae ang nagiging single parent matapos silang iwanan ng kanilang mga asawang lalaki. Kaya naman hindi maiiwasan na mahirapan ang mga ito pati na rin ang mga anak nila dahil sa kakulangan ng maayos na pagkain at malinis na tirahan. Kaugnay nito, kamakailan lang ay naging batas na ang bill na ipinasa ni Manila Representative Rosenda Ann Ocampo na nagsasabing mapaparusahan ang mga ama na hindi magbibigay ng tamang sustento at suporta sa kaniyang mga anak.

Ayon pa sa nasabing batas, ang mga ama ay dapat na magbigay ng karampatang halaga sa sinumang nag-aalaga ng kanilang mga anak, ito man ay kanilang asawa o sinumang indibidwal na pinag-iwanan niya ng kaniyang anak. Ang nasabing halaga ay naayon sa court order o di kaya naman ay base sa parenting agreement na naaprobahan sa korte sa ilalim ng Republic Act 9262.

Ang sinumang hindi sumunod sa nasabing batas ay may kaakibat na kaparusahan. Halimbawa, ang ama na magbibigay ng mas mabababang suporta sa anak ay magkakaroon ng penalty na 30,000 o di kaya naman ay kabuuan ng suporta sa loob ng isang taon. Maliban dito, kung ayaw talagang magbigay ng suporta ng ama sa unang pagkakataon, ay maari siyang pagmultahin ng aabot sa halagang 25,000 o di kaya naman ay pagkakakulong na hindi bababa sa 6 na buwan at di naman lalagpas sa isang taon. Kapag naman lumabag pa ulit siya sa pangalawa at susunod na mga pagkakataon ay pagbabayarin na siya ng 50,000 o di kaya naman ay makukulong ng hindi bababa sa isang taon at di lalagpas sa dalawang taon.
Ang batas na ito ay ginawa ni Ocampo at sinangayunan ng ilan pang opisyal upang masolusyunan ang kadalasang problema ng mga mag-asawang may anak at naghihiwalay. Ito ay paraan rin ng pagsulong ng gobyerno sa layunin na mabigyan ng maayos na buhay ang mga bata sa ilalaim ng ating mga batas.
Ikaw, anong masasabi mo sa batas na ito?
Tama lang po na may ganyang ipatupad dahil isa po akong single parent yong dati ko pong kinakasama ay nag’asawa nana ulit ng iba. Marami na po syang anak sa labas na hnd nya binibigyan ng sustento isa na po doon ang anak ko. ano po ba ang dapat kung gawin para don kanino po ba ako dapat pwedeng lumapit at magpatulong para maaksyunan ang ama ng anak ko.
Ung tatay ng anak q po
Hndi ngbibigay ng sustento…
Marami po aq katanungan.sna po mgtulungan nyo aq😥
Salamat po at pinatupad nyo po ang batas na ito.dahil isa po akong single mom sa isang anak kung naiwan sakin dahil po kinuha ng kinasama ko dati ang panganay kung anak.simula 2years old palang po ang anak ko.wala napo siya sustinto sana matulungan nyo po ako.salamat po
Pwede pong magtanong paano kung foreigner po ung ama tapos pinutol yong sustento sa anak nia kc po.panay xa sustento d nman pinapakita ung anak nia duon sa dati niyang live in partner.at ung babae ayaw maniwala sa dswd .matapang kc ung babae may makulong po ba ung foreigner?
Ako po isa po aqng single parent ngbigay xa hanggng 3 yrs old tposv8 yrs old na anak ko tpos po yung tatay ng anak ngtratrabaho po sa government. Sana matulungn saan po aq dapat lumapit pra maaksyunan po ang prblma ko kawawa hung anak ko.
Tama po yan… Sa tulad ko na single parent mag isa kong sinusuportahan ang anak ko. Yung ama nya walang pakialam… Dapat talaga na bigyan ng kaparusahan ang ama na di nagbibigay ng sustento sa anak.
almost 7yrs napong hindi nag susutento yung ama ng anak ko kasal po kami pag nagsasabi ako na magbigay naman sya kahit pambaon lng ng bata katwiran nya wala syang trabaho.
Tama po yan. Sana matupad na talaga kasi kawawa naman ang mga singles mom na tulad ko. Ako mag iisang taon na po na wala kaming nakukuha sustento nang anak ko. Sana maaksyonan lahat ito
That is a angelic offers representing your team. dilawnabuwan.com
http://bit.ly/2NOdj8Q
Pude ko b kyo makausap ng personal tungkol dito? Thanks
Ang asawa ko po ay may anak sa labas. Hindi po nabibigayan ng sustento ung bata kc hindi naman po pinapakita sa asawa ko ang bata. Dati po ay ngpapadala pa ng pera ang asawa q sa nanay ng mga bata peru naputol po dahil bina-blockmale kami ng x nya. Ang sustento po ay sa luho ng nanay napupunta at hindi sa bata. Pati po anak namin ng asawa ko ay pinagpo-post nya sa fb/sinisiraan nya po kami sa fb.
Paano po pwede rin po bang humingi n ng sustento kung ikaw ay buntis pa lamang at ayaw panagutan
At pwde po b itong ipa baranggay dahil sa panluluko niya salamat po.
Paano Naman po Kung Ang sitwasyon ay ganito “sa unang asawa may Isa syang anak at sinusupportahan Naman nya ito ayon sa napagkasunduan sa barangay ngayon may pangalawa na syang asawa at dalawa na Ang anak nya dito okey or ayus Lang po ba na bawasan or Hindi na umabot sa halagang napagkasunduan nung una Ang halagang ibibigay Ng ama?”
Pano po kung seaman ang ama ng mga anak ko po kung d po cya naka sampa d po cya ngbibigay. 10 yrs old ko po may global speech delay tapos ang isa po 8 yrs po. 4 to 5 months po d po cya nagwowork ano po habol ko para mabigyan nya kami kung d po cyA naka sampa ang laki na ng utang ko sakit na ulo ko. Sa kakaisip kung pano po kami.. tulongan nyo ako Brian Deza po ang name asawa ko. Red rose deza po to
Ang katanungan koy ganito, 20 years na hindi sumuporta ang ama sa mga pamangkin ko halos dalaga na ang dalawa. May pagkakataon pa ba na hingin sa ama ang maraming taon na hindi nya naibahagi ang ganitong suporta sa dalawa kung pamangkin. Ang isa maybtrabaho na ang isa naman ay nagaaral na.
Verry gud yan 100%…
Verry gud yan 100%…san ba kami lalapit para mapagsustento ama ng aming anak..
pano po yan kung gsto nmn nmin mga ama n kme n ng mag alaga s bata ayw nmn nla katulad ko po kinukuha ko mga ank ko para mapag aral ko po kc iniiwn lng nmn s mama ng kinakasma ko dti sna nmn po mg pa tupad din kau ng batas n sna bgyan kme ng karaptan
Paano po kung Hindi nman sumasagot sa mga tawag kahit ilang tawag kana. Isa po xang sundalo nka distino sa nasugbo.. Kung magpalya po ba xa ng isang buwan na sustento sa bata penalty na po na un? Hirap po kc mahagilap anu taong un anu kaya pweding gawin salamat po sa pagreply…
Ung dati me mister bumalik lng ulit skin nangako n magtratrabaho n para s amin ng anak nya pero nung makalipat n kmi ng laguna isang taon plang iniwanan n nya kmi. Simula p ng ipanganak ko ang anak nmin wala n x trabaho lahat inasa nya skin. Ngaun 14 yrs old n anak nmin pupude pb ako humingi ng sustento. Tutal nagpopost cla ng kabit nya n kumakain s inasal at pinapagyabang mga alahas nya mga nbibili nya.katwiran ng kabit kasal man skin nsa kanya nman dw mister ko.kung ano ano mga sanasabi ng kabit skin. S messanger..sana matulungan nyo po ako.salamat po.
Pude ko b kyo makausap ng personal tungkol dito? Thanks
San Po ako puede lumapit.ang tatay po ng mga anak k.nakatangap ng malaki sa sss na 10 percent said mga bats.matagal na siyang d nag susustinto.ang inaasahan nlang nmin.at ung buanan na 10 percent said sss.piro bihira lang nia ibigay.
Tama po sana yan.. Pwede pa kaya? Kc simula sa kalagayan ko simula nung 3 years old panganay ko 2008 hanggang ngaun 15 years old ay hindi manlang sya nagbigay ng suporta sa dalawang anak ko.. Katwiran nya po ay mayton 4ps ang mga bata kaya hindi daw sya magnibigay??? Tanong lang po?? Tama ba na iasa nya sa 4ps ung responsibilidad nya sa mga bata??
Tama po sana yan.. Pwede pa kaya? Kc simula sa kalagayan ko simula nung 3 years old panganay ko 2008 hanggang ngaun 15 years old ay hindi manlang sya nagbigay ng suporta sa dalawang anak ko.. Katwiran nya po ay mayron 4ps ang mga bata kaya hindi daw sya magnibigay??? Tanong lang po?? Tama ba na iasa nya sa 4ps ung responsibilidad nya sa mga bata??
Pano po simula sanggol hanggang ngaun n 19 yrs old na sya. Ano pwede ikaso s knya at ibbgay sa bata? Mkkapaghabol pa ba km ng sustento?
Ung tatay PO ng kambal Kong anak bigla nlng PO kmi iniwan sa ere, pinag barangay kopo sabi nya PO sa kasulayan na mag papadala sya every week ng 1500 kaso PO ang pinadala lang 700. Hndi posya tumutupad sa pinirmahan nya. At wala PO kming pinag usapan n mag hi hiwalay na. Ngayon PO nababalitaan KO na may nililigawan na naman. Kambal PO ank nmin. 10 months palang. Mhirap PO mging single parent lalo Nat kambal pa. Simula April 2019 hanggang august ang pinadala lang PO nya 4,100 lang sa loob ng 5 buwan. Gusto kopo Sana maaksyunan. Kc puso barkada inom lang ang inaatupag… Salamat po
Sana pagganyan UNG mga tatay na wlng trabaho bigyan Ng trabaho para makapagsustinto sa mga anak paano makabigay e kahit anong pag aaply gawin wl mapasukan dapat inuuna Ng gobyerno trabaho so paano makapagbigay Ang mga ama Kung wl nmn maibigay lahat Ng ama gusto maibigay lahat Ng gusto Ng mga anak pero paano Kung Ito ay wlng trabaho dahil Ang mga company Ang may age limit SA ngaun kulang nlng lumuhod ka para tanggapin ka so ano nmn Ang masasabi Ng mga tagagobyerno ???
Pwede Rin Po Ba Kasuhan Ang Mga Lalaki Na Nde Nagbbigay Ng Sustento Khit Nde Kasal?
Salamat po at naipatuoad na ang batas na ito.. Isa dn po akong single parent, cmula ng nag 7 years old na ang anak ko d na nagbibigay ng sostento ang ama nia hanggang ngaung mag 12yrs old na ang bata. Marami po ciang anak sa labas at di nia na rin ito binibigyan ng sostento mas kailangan na ng mga bata ung suporta nia kc nag aaral na at mdami ng gastosin.Panuh po ang dapat gawin.?Salamat sa mkapagbigay ng advice.
saan po bah pweding lumapit tungkol sa bagay na yan?
Pwede ko pa rin ba hingian ng sustento yung tatay ng una kong anak? Kahit na kasal na ko sa iba? Please sana may makasagot, thanks
kapatid ko na stroke 1 year bieng stroke ok pa asawa nya 3yrs dpa gmgaling kpatid ko nambabae na sumama saamin kaptid ko at di man lng snbukan pauwiin ng gagong asawa sampu ng inlaws nya ngbigay ng 3500 monthly pero ngayun tumigil na NGCB sya work foreman pero half lng ng 1 week sahod nya un 3500 ng aaral anak nya at.ngpapagamot asawa ang dahilan kc daw nanganak nabunbkabit nya asaan po hustisya may sakit din ang legal na anak sa paa nljirap lumakad laging namamaga tulungan nyo sana kapayid at pamangkin ko. panu maoobluga na sna hayiin.mn lng sahod ng iresponsableng tao na ito
yung papa nang anak ko po ay isang israeli di man lang nagbigay kahit piso.. 4years old na po ung anak ko.. nandito po siya sa pilipinas..ano gagawin ko sa kanya.. san ako pwede lumapit para magsampa nang kaso sa kanya.
pano po kung hindi alam ung kinaruruonan nung tatay ng anak ko? wala po kasing permanetong bahay ung lalaki?